Posts

Showing posts from January, 2018

Hindi Inaasahan

Image
Isa sa mga problemang kinahaharap ng ating bansa ang unti-unting pagtaas ng pursiyento ng mga babaeng nabubuntis ng wala sa tamang edad. Dapat sana'y nag-aaral at libro at kwaderno ang kanilang hawak ngunit sila ay nadala sa kapusan ng kanilang mga damdamin at hindi inisip ang magiging bunga nito kaya naman sa kanilang murang edad ay hawak na nila sa kanilang kamay ang kani-kanilang mga supling. Ako si Jolina M. Foster, isa rin sa mga babaeng nabuntis ng wala sa tamang edad. Kahit na ako'y labing walong taon na ng mga panahong iyon. Napakabata parin para sa isang bagay na tinatawag na pagiging  Ina at pag papamilya ngunit kahit na ganoon ay pinili ko parin ituloy ito at panindingan. Ito ang dahilan ng malaking pagbabago  sa aking pag-uugali gayun din sa aking pagkatao. Narito ang mga ilang  bagay na binago sa akin ng biglaang pagiging Ina.  1. Pagmamahal ng higit pa sa Sarili - Mahal ko ang aking Magulang, kapatid at asawa pero iba pala talaga ang pagmamaha