Hindi Inaasahan
Isa sa mga problemang kinahaharap ng ating bansa ang unti-unting pagtaas ng pursiyento ng mga babaeng nabubuntis ng wala sa tamang edad. Dapat sana'y nag-aaral at libro at kwaderno ang kanilang hawak ngunit sila ay nadala sa kapusan ng kanilang mga damdamin at hindi inisip ang magiging bunga nito kaya naman sa kanilang murang edad ay hawak na nila sa kanilang kamay ang kani-kanilang mga supling.
Ako si Jolina M. Foster, isa rin sa mga babaeng nabuntis ng wala sa tamang edad. Kahit na ako'y labing walong taon na ng mga panahong iyon. Napakabata parin para sa isang bagay na tinatawag na pagiging Ina at pag papamilya ngunit kahit na ganoon ay pinili ko parin ituloy ito at panindingan.
Ito ang dahilan ng malaking pagbabago sa aking pag-uugali gayun din sa aking pagkatao. Narito ang mga ilang bagay na binago sa akin ng biglaang pagiging Ina.
1. Pagmamahal ng higit pa sa Sarili
- Mahal ko ang aking Magulang, kapatid at asawa pero iba pala talaga ang pagmamahal ng isang Ina. Pagmamahal na walang makakapantay. Iispin mo muna ang iyong anak bago ang iyong sarili. Mula ng siya ay nasa iyong sinapupunan hanggang sa pag laki.
2. Mahabang Pasensiya
- Dati rati ay agad akong naiinis sa mga batang iyak ng iyak at makukulit pero nang ako na ang nagkaroon ng anak humaba ang aking pasensiya. Mas pinipili ko munang unawaiin at intindihin siya.
3. Unahin ang aking Anak kaysa ang aking Sarili
- Dati nakakabili pa ako ng mga bagay na kailangan ko halimbawa nalamang ay damit, sapatos, pabango at iba pa. Ngunit pag may anak kana pala hindi mo na iisip ang mga ito dahil ang iispin mo nalang ay ang mga bagay na kailangan ng iyong anak.
4. Pagiging Matipid
- Lahat naman yata ng Ina ay matipid. Dahil mas iniisip nito ang mga mahahalagang bagay na dapat unahing bilhing importante para sa anak kaysa sa ipambili o magastos ito sa walang katututarang bagay.
5. Pagiging Robot (😂)
- Kahit na pagod kana basta pala para sa iyong anak gagawin mo. Kahit na naglaba kana maghapon, napuyat sa kababantay sa kaniya pag gabi hindi mo na iindahin ang lahat ng iyon dahil sa iyong anak.
6. Pagiging Masaya kahit sa Simpleng bagay.
- Sa simpleng pag ngiti sa iyo ng iyong anak at pagiging malusog nito ay isa na itong sa malaking bagay na dapat mong ikasaya at pasalamatan sa ating Panginoon.
7. Mangarap ng mataas
- Dati inaamin ko naman na hindi ako ganoon kaseryoso sa pag-aaral. Pero noong dumating siya sa aking buhay. Nangarap ako na matapos parin sa pag-aaral hindi na lamang para sa akin kung hindi para sa kinabukasan narin niya. Ngayon dalawang magkasunod na semestre na ako ay Dean's Lister. Lalo akong nagpursigi sa aking pag-aaral.
8. Pagiging Matiisin
- Lahat ng pagod, lahat ng sakit ay aking tinitiis mula ng siya ay aking iluwal hanggang sa ngayon. Sabi din nila na titiisin mo ang lahat para sa iyong anak.
Iyan ang mga iilang binago sa aking katauhan ng pagiging Ina. Kung nadapa man tayo ng minsan, matuto tayong bumangon muli at maging aral sa atin ang ating minsang pagkakamali.
Comments
Post a Comment