Bayani ng aking buhay


Si Mama at Papa ang tinuturing kong mga bayani.

Lahat ng pagtitiis, pagsasakripisyo lahat ng hirap kanilang tinitiis para sa aming magkakapatid at sa kanilang mga apo. Lahat ng kanilang kayang ibigay para sa amin ibibigay nila kung kaya nila. 

Naaalala ko dati noong bata pa kami ang ulam lang namin kape (itim na kape lang noon kasi 'di pa uso ang 3 in 1). Naranasan din namin mag ulam ng tubig na lalagayan lang ng asin okay na. Kapag umuulan noon may papasok na palaka sa bahay, iluluto ni Mama para may ulam kami. Sobrang hirap ng dinanas namin noon. Naiisip ko na siguro wala talagang magawa sila Mama at Papa noon kaya ganoon lang talaga ang meron kami. Naiisip ko din na siguro ang bigat sa dibdib nila Mama at Papa na makita na ganoon lang inuulam naming mga anak nila wala lang silang magawa nang mga panahong iyon. 

Si Papa, nag bibilad sa ilalim ng mainit na araw sa pagtatrabaho. Si Mama napapagod sa pakikipaglabada para may panggastos kami.  Lahat ng puwedeng extrahan na trabaho pinapasukan ni Mama. Pagkatapos niyang maglaba magmamanicure pa siya para pandagdag. Si Papa naman pagkatapos ng buong araw na pagbibilad sa araw ay mamamasada tuwing gabi kaya pagdating ng oras ng pag tulog ay halatang pagod na pagod sila. 

Nagpapasalamat ako sa Panginoon na sila ang aking naging mga magulang. Kung ako man ay bibigyan ng pangalawang buhay, pangatlo o pang-apat sila at sila parin ang pipiliin kong maging magulang.

Kaya nag susumikap parin ako na makatapos hindi lang para sa akin kundi para sa kanila. Gusto kong ibalik lahat ng ibinigay nila sa amin noon. Gusto ko na sa pagtanda nila may trabaho ako na kung saan ako naman ang gagastos para sa kanila. Ibibigay ko rin lahat ng aking makakaya para sa kanila.

Mama, Papa maraming salamat po sainyo. Maraming maraming salamat. Mahal na mahal ko po kayo. 


Comments

Popular posts from this blog

Biggest Fear

Propesyon