Propesyon


Pagiging Guro ang napili kong propesyon. Ito ay sarili kong disisyon dahil naimpluwensyahan ako ng aking Guro dati sa Sekondarya. Filipino ang kinuha kong Major dahil Filipino Teacher ang nakaimpluwensya sa akin. Naimpluwensyahan niya ako dahil sa galing niyang magsalita at magturo. Ang sabi ko noon " gusto kong maging katulad niya ". Pero hindi ko alam na ganito pala kahirap matutunan ang pagiging isang Guro. Isa sa mga pinaka mahirap kong dinadanas ay ang pag iisip ng magandang Biswal ( Visual Aid/Istructional Materials ). Kailangan iangkop mo ito sa iyong leksyon at nakakaubos din pala ito ng budget. 

Ipangkakain mo sana pero iipunin mo nalang nang sagayon ay may ipambili ka ng mga materyales na iyong gagamitin. Napakahirap din pala gumawa ng Banghay-Aralin na iyong gagamitin at magiging gabay mo sa pagtuturo. Nagkukulang din ang iyong tulog sa pag gagawa ng presentasyon at IM na kailangan mo. Layunin palang napakahirap na din gawin dahil ito ay nais mong makamit ng iyong mga tinuturuan. Ngunit kahit na gaano kahirap ay tinutuloy ko dahil mahal ko ang aking ginagawa. Mahal ko ang pagtuturo. Ito ang nais kong maging propesyon na pang habang buhay kong gagawin at mamahalin. 

Comments

Popular posts from this blog

Bayani ng aking buhay

Biggest Fear