Biggest Fear

Ang pinaka kinatatakutan ko ay makitang nasasaktan pamilya ko, lalo na ang aking mga anak. Noong ika 19 ng Pebrero 11:35 ng gabi ay isinigod namin sa Provincial Hospital ang aking panganay na anak dahil siya ay dumaranas ng pagtatae at pagsusuka. Bilang isang Ina, takot at kaba ang aking naramdaman. Pagkadating sa Emergency Room ay nakitaan siya ng sintomas ng dehydration kaya sa ayaw ko at sa hindi ay pinaadmit na siya. Malaking pagsubok sa akin na makita na ganoon ang aking anak. Siya ay nanghihina at matamlay kahit na dalawang beses pa lamang siya nag tae at suka ng sabay ng araw na iyon. Ilang beses sinubukan itusok ang karayom para sa swero niya. Dalawa sa kanang kamay at isa sa kaliwang kamay ngunit pumutok umano ang kanyang ugat. Sinubukan nila sa paa at sa wakas ay nailagay na ng maayos. Buong gabi na binabantayan ko siya. Binawal siyang kumain at uminom ng kahit ano hanggang 6 ng umaga. Kaya naman kahit na naawa ako tuwing sinasabi niyang siya ay nauuhaw ay hindi ko parin siya binigyan ng kahit na ano dahil iyon ang sinabi ng doctor. Sa pangalawang gabi namin sa hospital ay namaga na ang kanyang paa at sinabi na ililipat na lamang sa kamay ang kaniyang swero. 

Naging kalbaryo nanaman sa aming mag-ina iyon. Nagwawala siya dahil sa dami na ng naranasan niyang pagtusok. Ayaw na niyang ipalipat ito pero baka daw mamaga itong lalo. Sobrang iyak niya ng mga oras na iyon. Noong kinabukasan ng lumabas na ang resulta ng kaniyang mga lab test nalaman na mayroon din pala siyang U.T.I at sobrang taas nito. Ang normal na ephithelial cells sa ihi ay umaabot lamang ng 15-20 pero ang kaniyang resulta sa kaniyang urinalysis ay 80-100 na ibig sabihin ay may nana na umano ang kaniyang ihi kaya kailangan ng agarang medikasyon para dito.  


Sa ikatlong araw at pang-apat naming araw sa hospital ay bumiti na ang kaniyang pakiramdam hindi na niya dinadaing na mayroon siya masakit sa parte ng kaniyang katawan. Sobrang saya ko dahil naagapan at nabigyang lunas ang kaniyang mga sakit na naramdaman. Ngayong araw 23 ng Pebrebo ika 3 ng hapon ay pinayagan na kming umuwi at ito ay aking ipinagpapasalamat ng malaki sa Diyos. 

Comments

Popular posts from this blog

Bayani ng aking buhay

Propesyon