Biggest Fear
Ang pinaka kinatatakutan ko ay makitang nasasaktan pamilya ko, lalo na ang aking mga anak. Noong ika 19 ng Pebrero 11:35 ng gabi ay isinigod namin sa Provincial Hospital ang aking panganay na anak dahil siya ay dumaranas ng pagtatae at pagsusuka. Bilang isang Ina, takot at kaba ang aking naramdaman. Pagkadating sa Emergency Room ay nakitaan siya ng sintomas ng dehydration kaya sa ayaw ko at sa hindi ay pinaadmit na siya. Malaking pagsubok sa akin na makita na ganoon ang aking anak. Siya ay nanghihina at matamlay kahit na dalawang beses pa lamang siya nag tae at suka ng sabay ng araw na iyon. Ilang beses sinubukan itusok ang karayom para sa swero niya. Dalawa sa kanang kamay at isa sa kaliwang kamay ngunit pumutok umano ang kanyang ugat. Sinubukan nila sa paa at sa wakas ay nailagay na ng maayos. Buong gabi na binabantayan ko siya. Binawal siyang kumain at uminom ng kahit ano hanggang 6 ng umaga. Kaya naman kahit na naawa ako tuwing sinasabi niyang siya ay nauuhaw ay hindi ko parin