Kuya
"Kuya" isang salita na napakaraming puwedeng kahulugan batay sa kung paano mo ito gagamitin.
Kuya: Maaring tawag mo sa isang lalaki na hindi mo kaano-ano. Siya ay tinatawag mong kuya bilang pag galang sa kaniya.
Kuya: kapatid na lalaki
Kuya: Isang lalaki matuturing mong tagapagtanggol.
Isang salita na nagtataglay ng Lakas at Pagmamahal.
Hindi ba't napakasarap magkaroon ng KUYA? Siya ang iyong tagapagtanggol. Minsan taga tago ng iyong mga sikreto. Kasama mo sa araw-araw sa loob ng maraming taon/panahon.
Pero paano kung isang araw ay ibalita sa inyong nanawala ang "Kuya" ng inyong pamilya.
August 20, 2016 ang araw ng pagkawala ni Kuya. Magdadalawang taon na ngayong darating na August. Magdadalawang taon na siyang nawawala. Oo, nawawala. ( Missing )
Huling araw siyang nakita ay kasama niya ang isang lalaki, at napag alaman namin na takip silim ng araw na iyon ( Aug. 20 ) ay napatay ng mga Pulis ang lalaking kasama nito at sabi ng mga awtoridad ay mag-isa lamang ang lalaki ng kanilang makita at mapatay sa isang engkwentro.
Napakalaking tanong ngayon sa aming pamilya kung nasaan ang aking panganay na kapatid. Ni wala kaming ideya kung nasaan siya. Kung anong ginagawa at kumusta na siya. Napakasakit ng nangyaring ito sa aming pamilya.
Ngunit kailangan namin maging malakas at kumapit sa isa't isa upang malampasan ang malaking pagsubok na ito sa aming pamilya. Hindi kami maaring maging lampa at mahina dahil kailangan kami isa't isa.
Kaya habang kasama niyo pa ang mga mahal niyo sa buhay, pahalagaahan at iparamdam sakanila kung gaano kayo kasaya na naging iparte sila ng iyong buhay at kung gaano kayo kasaya.
Kahit gaano na katagal nawawala si Kuya ay hindi parin kami nawawalan ng pag-asa na balang araw ay makita, mahagkan at makasama namin siyang muli.
Comments
Post a Comment