Posts

Biggest Fear

Image
Ang pinaka kinatatakutan ko ay makitang nasasaktan pamilya ko, lalo na ang aking mga anak. Noong ika 19 ng Pebrero 11:35 ng gabi ay isinigod namin sa Provincial Hospital ang aking panganay na anak dahil siya ay dumaranas ng pagtatae at pagsusuka. Bilang isang Ina, takot at kaba ang aking naramdaman. Pagkadating sa Emergency Room ay nakitaan siya ng sintomas ng dehydration kaya sa ayaw ko at sa hindi ay pinaadmit na siya. Malaking pagsubok sa akin na makita na ganoon ang aking anak. Siya ay nanghihina at matamlay kahit na dalawang beses pa lamang siya nag tae at suka ng sabay ng araw na iyon. Ilang beses sinubukan itusok ang karayom para sa swero niya. Dalawa sa kanang kamay at isa sa kaliwang kamay ngunit pumutok umano ang kanyang ugat. Sinubukan nila sa paa at sa wakas ay nailagay na ng maayos. Buong gabi na binabantayan ko siya. Binawal siyang kumain at uminom ng kahit ano hanggang 6 ng umaga. Kaya naman kahit na naawa ako tuwing sinasabi niyang siya ay nauuhaw ay hindi ko parin

Propesyon

Image
Pagiging Guro ang napili kong propesyon. Ito ay sarili kong disisyon dahil naimpluwensyahan ako ng aking Guro dati sa Sekondarya. Filipino ang kinuha kong Major dahil Filipino Teacher ang nakaimpluwensya sa akin. Naimpluwensyahan niya ako dahil sa galing niyang magsalita at magturo. Ang sabi ko noon " gusto kong maging katulad niya ". Pero hindi ko alam na ganito pala kahirap matutunan ang pagiging isang Guro. Isa sa mga pinaka mahirap kong dinadanas ay ang pag iisip ng magandang Biswal ( Visual Aid/Istructional Materials ). Kailangan iangkop mo ito sa iyong leksyon at nakakaubos din pala ito ng budget.  Ipangkakain mo sana pero iipunin mo nalang nang sagayon ay may ipambili ka ng mga materyales na iyong gagamitin. Napakahirap din pala gumawa ng Banghay-Aralin na iyong gagamitin at magiging gabay mo sa pagtuturo. Nagkukulang din ang iyong tulog sa pag gagawa ng presentasyon at IM na kailangan mo. Layunin palang napakahirap na din gawin dahil ito ay nais mong makamit

Bayani ng aking buhay

Image
Si Mama at Papa ang tinuturing kong mga bayani. Lahat ng pagtitiis, pagsasakripisyo lahat ng hirap kanilang tinitiis para sa aming magkakapatid at sa kanilang mga apo. Lahat ng kanilang kayang ibigay para sa amin ibibigay nila kung kaya nila.  Naaalala ko dati noong bata pa kami ang ulam lang namin kape (itim na kape lang noon kasi 'di pa uso ang 3 in 1). Naranasan din namin mag ulam ng tubig na lalagayan lang ng asin okay na. Kapag umuulan noon may papasok na palaka sa bahay, iluluto ni Mama para may ulam kami. Sobrang hirap ng dinanas namin noon. Naiisip ko na siguro wala talagang magawa sila Mama at Papa noon kaya ganoon lang talaga ang meron kami. Naiisip ko din na siguro ang bigat sa dibdib nila Mama at Papa na makita na ganoon lang inuulam naming mga anak nila wala lang silang magawa nang mga panahong iyon.  Si Papa, nag bibilad sa ilalim ng mainit na araw sa pagtatrabaho. Si Mama napapagod sa pakikipaglabada para may panggastos kami.  Lahat ng puwedeng extra

Kuya

Image
"Kuya" isang salita na napakaraming puwedeng kahulugan batay sa kung paano mo ito gagamitin.  Kuya: Maaring tawag mo sa isang lalaki na hindi mo kaano-ano. Siya ay tinatawag mong kuya bilang pag galang sa kaniya. Kuya: kapatid na lalaki Kuya: Isang lalaki matuturing mong tagapagtanggol. Isang salita na nagtataglay ng Lakas at Pagmamahal.  Hindi ba't napakasarap magkaroon ng KUYA? Siya ang iyong tagapagtanggol. Minsan taga tago ng iyong mga sikreto. Kasama mo sa araw-araw sa loob ng maraming taon/panahon. Pero paano kung isang araw ay ibalita sa inyong nanawala ang "Kuya" ng inyong pamilya.  August 20, 2016 ang araw ng pagkawala ni Kuya. Magdadalawang taon na ngayong darating na August. Magdadalawang taon na siyang nawawala. Oo, nawawala. ( Missing )  Huling araw siyang nakita ay kasama niya ang isang lalaki, at napag alaman namin na takip silim ng araw na iyon ( Aug. 20 ) ay napatay ng mga Pulis ang lalaking kasama nito at sa

Hindi Inaasahan

Image
Isa sa mga problemang kinahaharap ng ating bansa ang unti-unting pagtaas ng pursiyento ng mga babaeng nabubuntis ng wala sa tamang edad. Dapat sana'y nag-aaral at libro at kwaderno ang kanilang hawak ngunit sila ay nadala sa kapusan ng kanilang mga damdamin at hindi inisip ang magiging bunga nito kaya naman sa kanilang murang edad ay hawak na nila sa kanilang kamay ang kani-kanilang mga supling. Ako si Jolina M. Foster, isa rin sa mga babaeng nabuntis ng wala sa tamang edad. Kahit na ako'y labing walong taon na ng mga panahong iyon. Napakabata parin para sa isang bagay na tinatawag na pagiging  Ina at pag papamilya ngunit kahit na ganoon ay pinili ko parin ituloy ito at panindingan. Ito ang dahilan ng malaking pagbabago  sa aking pag-uugali gayun din sa aking pagkatao. Narito ang mga ilang  bagay na binago sa akin ng biglaang pagiging Ina.  1. Pagmamahal ng higit pa sa Sarili - Mahal ko ang aking Magulang, kapatid at asawa pero iba pala talaga ang pagmamaha